Lunes, Agosto 26, 2013

***
"Soldiers generally win battles; generals get credit for them."
        (Napoleon Bonaparte)

Isang artikulo mula sa magazing The Daily Mirror(1969)ang aking natuklasan sa silid aklatan ng munisipalidad ng Rodriguez Rizal tungkol sa labanan ng San Mateo.Ang artikulo ay naglalaman ng mga mahahalagang detalye tungkol sa nasabing labanan. Isa sa mahalagang detalye ay ang pagbibigay personalidad sa taong nakabaril at nakapatay kay Hen. Henry Lawton ng bumaba ito mula sa mataas na burol ng Payatas(Ngayon ay Costitution Hills Batasang Pambansa complex)upang personal na pangasiwaan ang pagkubkob sa Poblasyon ng San Mateo na nooy naging moog ng pwersang Republikano sa ilalim ng pamumuno ni Hen. Licerio Geronimo.





Sabado, Agosto 24, 2013

ANG BRIGADA HEN. LICERIO GERONIMO

***
Nang pumutok ang digmaang Filipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899 ang Hen. Cerio ay nasa kanyang bukirin sa San Mateo kasama ang kanyang pamilya. Nakatanggap siya ng isang liham mula sa Kongreso ng Republika na inaatasan siyang makipagkita kay Hen. Antonio Luna para sa isang panayam. Matapos ang panayam ay itinalaga siya ni Hen. Antonio Luna bilang bagong heneral ng Tercera Zona ng Maynila.

Pinalitan niya si Col. Antonio Montenegro bilang hepe ng Tercera Zona ng Maynila matapos ang panayam. Napasailalim sa kanyang  hurisdiksyon ang 1500 Cavite Battalion at iba pang mga lokal na tropa mula sa Marikina, San Mateo, Montalban at ilan pang karatig baryo at bayan ng Tercera Zona ng Maynila. Dahil dito, naitatag ang Brigada Hen. Licerio Geronimo sa ilalim nga ng pamumuno matapang na Hen. Cerio. Ang Brigada ay binubuo ng libo-libong sundalong Filipino kabilang ang isang "unique" na grupo ng mga sharpshooters na kung tawagin ay mga TIRADORES DE LA MUERTE. Professionally trained ang grupong ito at sinasabing aral mula sa isa na namang Briton na kilala lamang sa tawag na MacDonalds.

Narito ang pahayag ni G. Daniel Dizon kung papaano naitatag ang TIRADORES DE LA MUERTE ng Brigada Hen. Licerio Geronimo.

"The TIRADORES were from a special detachment of the brigade of Gen. Licerio Geronimo who in the late 1899 commanded the San Mateo area, northeast of Manila. Early that year, Gen. Geronimo recognized the need for the used of the Mauser rifle for its fullest effectivity since it was considered "the best rifle of the world" at that time. He endeavored to have his Mauser-carrying soldiers trained to become sharpshooters(TIRADORES)by a European soldier of fortune. At that time many Filipino soldiers of the revolution considered the rear sights of their rifles as mere nuisance and proceeded to simply hammer them away. They just prefer to use the front sight of their rifles during battles for convenience. Unknown to them this kind of shooting produce a high bullet trajectory and tragically missed their targets by as much as 3 feet! Gen. Geronimo sought to remedy this serious problem by hiring a Caucasian trainor who was a former professional soldier. The trainor painstakingly trained the soldiers the judicious use of the Mauser rifle's rear sight in combination with the front sight. In a few weeks they had become deadshots. Extremely satisfied, Gen. Geronimo christened his detachment of sharpshooters: "TIRADORES DELA MUERTE" or shooters of death! Furthermore he issued them a distinctive dark blue uniform" --- By Daniel Dizon, Angeles Museum

Mga teritoryong nasasakupan ng Tercera Zona na dating hawak ni Col. Antonio Montenegro



Ang Brigada Geronimo ay napasailalim sa direktang kautusan ni Hen. Antonio Luna ng magbuo ito ng limang Brigada para sa ikinakasang pagbawi sa Maynila na nooy napasailalim na sa kamay ng mga Amerikano.

ANG PAGBAWI SA MAYNILA
Ikinasa ang pagbawi ng Maynila sa petsang Pebrero 22 1899. Layunin ni Hen. Antonio Luna na durugin ang depensa ng mga amerikano sa palibot ng maynila. Plano niyang pagtagpuin ang kanyang binuong limang brigada na babawi sa Maynila sa loob nito para matulungan ang sampung libong mga "sandatahanes" na nananalanta sa loob ng Maynila at tuluyang muling makuha ang Maynla sa kamay ng mga Amerkano.
Ang Cavite Battalion na sinasabing professionally trained ng isang sundalong Briton na kilala sa tawag na"Wistar", ang buong Batalyon ay napasailalim di lumaon sa Hen. Licerio Geronimo. Sipi mula sa: Colorado's Volunteer Infantry in the Philippine Wars, 1898-1899
Ayon kay Geoffrey Hunt




Limitado ang mga dokumento sa aktuwal na partisipasyon ni Hen. Cerio sa nasabing labanan. Subalit maaaninag ang kanyang nagawa sa tala ng panghapong suplimento ng peryodikong Heraldo Filipino na may petsang Pebrero 23, 1899. Narito ang pahayag ng may akda na punong-puno ng sigla at kagalakan.

The Filipino army occupies the suburbs of Manila.
***
The three columns commanded by Generals Pio Del Pilar and Licerio(Geronimo) and Col. Hizon now occupy the suburbs of Sampaloc, San Miguel, San Sebastian, Binondo, San Nicholas and Tondo. The Cavite Batallion has possession of the Cuartel de Meisic(present day 168 mall)and the flag is now flying there.
***
The American troops now in Caloocan and La Loma to the number of over six thousand are besieged by the columns commanded by Generals Luna, Llanera and Garcia.
***
This very moment the special train carrying the Honorable President has left for Caloocan.
Viva the Independent Philippines!!
`                                              Viva the unconquerable Philippine Army!!!

Mula marikina kung saan nakahimpil ang kanyang brigada noong simulan ang pagbawi ay umabot hangang Cuartel de Meisic(Present day 168 mall)ang kanyang mga tropa at duon ay nakipagdigma sila laban sa mga amerikano hanggang maubusan ng bala. Nagpatuloy ang labanan sa Maynila sa sektor ng brigada Geronimo hanggang Pebrero 24 kung saan ay nakatanggap sila ng isang telegrama mula kay Hen. Antonio Luna na naguutos na itigil na ang labanan
Telegrama ni Hen. Cerio kay Hen. Antonio Luna(Pebrero 25, 1899)Sipi mula sa:The rise and Fall of Antonio luna ni G. Vivencio Jose
Umatras ang buong tropa sa kanilang depensa sa Marikina, San Mateo at Montalban at duon hinintay ang mga Amerikano para labanan. Makatlong ulit na kinubkob ng mga Amerikano ang posisyon ng mga Republikano sa Marikina, San Mateo at Montalban subalit hindi sila nagtangumpay. Marami pang laban na naganap sa pagitan ng mga Amerikano at ng Brigada Hen. Licerio Geronimo sa palibot ng ikatlong sona ng Maynila. Napalabanan sila sa San Francisco Del Monte, sa Caloocan, sa Marikina, sa mga Gulod ng Balara at Payatas, sa Novaliches, at di kalaunan sa San Mateo at Montalban kung saan napatay nila ang Amerikanong heneral na si Hen. Henry Lawton.

Nang bumagsak ang San Mateo sa kamay ng mga Amerikano noong Disyembre 19, 1899 ay nahati ang brigada sa dalawang tropa. Ang isa ay sa Marikina sa ilalim ni Col. Hermogenes "Bara" Bautista at ang isa pa ay sa Montalban at Puray naman sa ilalim ni Hen. Licerio Geronimo.

Sumuko ang Hen. Cerio noong Marso 30, 1901 sa San Mateo. Kasama niyang sumuko ang 12 sa kanyang mga opisyal at 29 sa kanyang mga sundalo dala ang 30 mga baril. Kasama sa kanyang pagsuko ang pagkakabuwag din ng Brigada Hen. Licerio Geronimo.

Sinasabing umulan ng malakas kasabay ng pagbagsak ng maraming yelo ng sumuko ang matapang na heneral sa mga Amerikano.

Pormal na serimonya ng pagsuko ni Hen. Licerio Geronimo sa San Mateo...Ang larawan ay kortesiya ni G. Arnaldo Dumintin

Source:
1.  http://philippineamericanwar.webs.com/genlawtondies1899.htm
2. General Licerio Geronimo, An Obscure Hero of the Past Revolution
3. Colorado's Volunteer Infantry in the Philippine Wars, 1898-1899 Ayon kay: Geoffrey Hunt
4.  The Rise and Fall of Antonio Luna
5.  TIRADORES DE LA MUERTE painting By: Daniel Dizon, Angeles Museum