TAGUMPAY SA BUNDOK PURAY(VICTORY AT MT. PURAY)
Bumagsak ang Cavite sa kamay ng mga Kastila, ang itinuturing na pinakamalakas na moog ng rebolusyon. Napilitan ang nooy tinutugis ng mga Kastila na si Hen. Emilio Aguinaldo na lisanin ang Cavite at lumipat sa bulubundukin ng Bulakan para ipagpatuloy ang kanyang laban. Ganito ang naitala ng mananalaysay na si G. Carlos Quirino tungkol sa pagpapatuloy ng labanan.Hen. Licerio Geronimo(44 anyos) |
Pansamantalang nanatili sa Mt. Puray si Hen. Emilio Aguinaldo. Ang PURAY ay isang bundok sa pagitan ng Bulakan at Montalban na nooy naging moog ng tropa ni Hen. Licerio Geronimo. Dito nagpatawag si Hen. Emilio Aguinaldo ng isang asembleya ng mga lider ng rebolusyon upang magtatag ng isang PAMAHALAANG DEPARTAMENTAL NG GITNANG LUZON. Sa asembleyang ito maghahalal ng mga bagong heneral para sa itatatag na mga dibisyon militar(military division)kung saan hahatiin ang Pilipinas. Isa si Hen. Licerio Geronimo sa mga napiling maging bagong Tenyente Heneral ng Hukbong panghimagsikan na mamumuno sa dibisyon ng Rizal.
Hen. Licerio Geronimo(50 anyos) |
"Let us now turn the attention to the march of the army of the President of the Philippine Republic, Gen. Emilio Aguinaldo, over the mountains of Rizal and Bulakan. After they left Mount Kabangan, they crossed Pasig river at the sight called Malapad-na-bato and proceeded in Montalban. At the invitation of Gen. Licerio Geronimo, they encamped at Mount Puray. There they rested several days to allow Gen. Aguinaldo to recover from an illness he had contracted during the march. They were attacked by the Spaniards as soon as their whereabouts where discovered. The peoples troops fearlessly fought against the enemy and resolutely defended the motherland even at the cost of their own lives. After about five hours of fierce shooting, stabbing and shouting, the Spaniards were forced to retreat, scampering over the many dead bodies of their fallen men. This battle was a signal victory for Gen. Licerio Geronimo, brigadier general in the army of Supremo Andres Bonifacio. General Geronimo was then and there promoted to lieutenant general in the army of the Philippine Republic by Pres. Emilio Aguinaldo. --- The Katipunan and the Revolution by: Santiago "Apoy" Alvares
Sa higit pang detalye sa nasabing labanan, narito ang mga tala ni G. Carlos Quirino sa kanyang aklat na "Filipinos at War".
Monumento ni Hen. Licerio Geronimo sa Brgy. Silangan Quezon City |
Lalo pang nakilala sa hanay ng mga rebolusyonaryo ang pangalan ni Hen. Cerio ng atakihin at mahuli niya ang 50 karwahe(carts)ng suplay at bala ng mga Kastila.