Huwebes, Nobyembre 29, 2012

ANG MGA TROPANG NAKA-BUKAWE(BAMBOO SPEAR)NI HEN. LICERIO GERONIMO

Ang mga tropang ito na tinukoy sa ating kasaysayan na armado ng "Bukawe" ay tumutukoy sa natatanging tropa ni Hen. Licerio Geronimo na nagmula sa Montalban, San Mateo at Marikina.

Talamak sa mga bundok ng Montalban, San Mateo, Marikina at Antipolo ang mga "buhong kawayan". Sa mga buhong kawayan nagmumula ang armas na Bukawe,(Bamboo Spear) na pinatatalas at isinasalang sa apoy upang tumulis at tumibay.

Ang tropang ito na naka "Bukawe" ay kasamang lumusob ni Hen. Licerio Geronimo sa Polvorin(gunpowder depot)at El Deposito(water reservoir)ng mga Kastila sa San Juan Del Monte noong Agosto 30, 1896 sa utos na rin ni Supremo Andres Bonifacio. Narito ang pahayag ng butihing heneral sa wikang Ingles ng kapanayamin ito ni Dr. Antonio Isidro noong umaga ng Nobyembre 1925 sa bayan ng Montalban.

"On the eve of the revolution of 1896 Licerio Geronimo received a note from Andres Boifacio ordering him to proceed directly and immediately to Balintawak and to receive, for distribution among his followers, the guns that had just arrived from Japan. A few days later the CRY OF BALINTAWAK was proclaimed and the machinery of the KATIPUNAN was set in motion. He went to the Polvorista accompanied by a few of his followers  and shot a lieutenant of the "Casadores"; two days later, under cover of night, they attacked with their "BUKAWE," the Spanish soldiers in the street of San Juan Del Monte. After this petty attacks, he returned to his locality to organize more companions. He was able to recruit under his banner a number of  followers from the towns of Montalban, San Mateo and Marikina in an amazing short time. This host of men who were ready to die for their country's sake greatly admired this brilliant organizer and elected him as their own leader. With indomitable courage and fervent patriotism the soldiers equipped with nothing but spears(BUKAWE)and a handful of guns, left their families in defense of their brothers in the neighboring provinces. They encountered strong opposition in Novaliches and San Miguel, where they lost hundreds of their comrades. In other battles, needless to say, they won, not because of fortifications and equipment, but by dint of bravery and strategy."--- Gen. Liceri Geronimo, an Obscure Hero of the Past Revolution by: Dr. Antonio Isidro

1 komento:

  1. Hindi kompleto ang nakatala tungkol kay Hen. Licerio Geronimo. Hindi inilagay na matapos siyang sumuko at sumumpa ng loyalidad sa mga Amerikano, sumapi siyang miyembro ng itinatag na Philippine Constabulary ng mga kaaway ng mga Amerikano, na may rangkong Inspector. At sumali siya at tumulong sa pagtugis at pagpatay kay Hen. Luciano San Miguel, isa sa pinakahuling nanatiling lumaban sa mga kaaway na Amerikano at maituturing na dakilang heneral ng rebolusyong Filipino. Ano mang malapalamuting mga salita ang kanilang sabihin, si Hen. Licerio Geronimo ay nagtaksil sa reboilusyon at sa Inang Bayan sa huling yugto ng rebulosyon.

    TumugonBurahin